Pagkaing Pinoy
Nagmula sa mga Malay ang unang pagkaing Pinoy dalawampung libong
taon na ang nakakaraan. Sa kanila nagmula ang pagkahilig ng mga pinoy sa
pagkaing maanghang at may gata. Sa mga Tsino naman nagmula ang pagkain ng
mga Pinoy ng
pansit at ang pagkahilig sa pagkaing may sawsawan at sarsa. Ang mga Espanyol
naman ang nagturo ng mga pagkaing ginigisa na ginagamitan ng iba't ibang
pampalasa. At dahil dito, ito ay nagbunga ng tinatawag sa ngayong kinaugaliang
pagkaing Pilipino.
Si Gaita Fores
ay isa sa pinakasikat na chef sa Pilipinas. Ang kare-kare ay isa sa pinakasikat
na pagkaing pinoy na nagmula sa Pampanga na kilala bilang “Culinary
Center of the Philippines.” Malimit itong inihahanda tuwing pista, kaarawan,
pagtitipon ng pamilya, o kaya sa isang simpleng tanghalian o hapunan ng isang
pamilya.
§ Sinigang
Ang Sinigang ay isang lokal na lutuin na may sangkap na karne,
isda at shellfish na niluluto sa maasim na sabaw na may kasamang dahon ng
kamote, kangkong, sitaw, okra, sigarilyas, puso ng saging, ugat ng gabi,
hiniwang talong at labanos. Maaaring gamitin ang sampalok, hilaw na mangga,
bayabas, santol at kamias bilang pampaasim. Kung isda ang nais isigang, miso at
dahon ng mustasa ang ginagamit sa pagluluto.
Sangkap
1 kilo | laman ng baboy |
1 tasa sampalok | (bunga o usbong) |
½ kutsarita | asin |
4 piraso | kamatis (buo lamang) |
1 tali | petchay |
1 tali | kangkong, pinutol sa 2" ang haba |
1 tali | okra |
1 tali | sigarilyas, pinutol sa 1" ang haba |
Paraan ng pagluto
- Palambutin ang karne.
- Pakuluan sa aparteng kalderong may kaunting tubig, kamatis na buo at sampalok.
- Kapag lumambot na ang karne ay ihulog ang buong gabi.
- Kapag malambot na ang gabi ay isabay ang sitaw, kangkong, sigarilyas at okra.
- Hanguin ang ilagay ang nilagang kamatis sa pinggan at ligisin o pigain at ihulog sa sabaw ng sinigang.
- Hanguin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
- Isama ang asin ayon sa alat at asim.
Ang kare-kare ay isang lutuing paborito ng mga Pilipino. Gawa ito
sa karne, bituka o buntot ng baka at samu’t saring gulay. Pinakukuluan ang
karne hanggang lumambot at saka hinahaluan ng dinurog na mani at malagkit na
kanin na pinong pino. Ito ang nagpapalapot sa sarsa at nagbibigay ng kakaibang
lasa sa ulam. Sa mga panahong ito, peanut butter na ang ginagamit sa halip na
dinurog na mani at kanin. Ang kaalatan ng ulam ay nanggagaling sa bagoong
alamang na kasama nito.
Sangkap
2 | kilo | pata ng baboy, hiniwa sa katamtamang laki at pinalambot. |
3 | kutsara | mantika |
8 | butil | bawang, tinadtad |
1 | piraso | katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa |
1 | kutsarita | patis pantimpla |
⅓ | tasa | dinurog na mani |
⅓ | tasa | dinurog na tinustang bigas |
1 | kutsara | katas ng atsuete |
2 | piraso | talong, hiniwang pahilis |
1 | tungkos | sitaw, hiniwang 3" ang haba |
1 | piraso | maliit na puso ng saging, hiniwa |
½ | tasa | bagoong alamang guisado |
Paraan ng pagluto
- Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang at sibuyas.
- Timplahan ng patis ayon sa panlasa.
- Idagdag ang dinurog na mani at bigas.
- Ibuhos ang sabaw ng pata.
- Kulayan ito ng katas ng atsuete.
- Pakuluin at isama ang pinalambot na baboy.
- Pakuluan hanggang lumapot ang sabaw.
- Isama ang mga gulay at palambutin.
- Ihain kasama ng ginisang bagoong alamang.
§ Ginataan
Ang Ginataan o guinatan ay isang uri ng pagluluto na mayroong
gata. Ihalo ang ikalawa at kakang gata sa baboy, manok, isda, lamang dagat at
mga gulay para sa iba’t ibang ulam. Ang kasarapan ng gata ay kaakibat ng
pagdagdag ng mga sili. May mga panghimagas ding tinatawag na ginataan:
Halo-halo na gawa sa ugat ng gabi, kamoteng-kahoy, kamote, ube, saging na saba,
langka at sago; Bilo-bilo gawa sa kaning malagkit na hinaluan ng tubig at
kinorteng bola; Totong (ginataang monggo) gawa sa tutong na monggo babalatan at
saka hahatiin.
Sangkap
20 piraso dahon ng gabi, pinatuyo 2 piraso malalaking niyog, ginadgad 1 tasa maligamgam na tubig 1 kutsara mantika 1 kutsara tinadtad na bawang ½ tasa tinadtad na sibuyas 1 kutsara tinadtad na luya ¼ kilo liempo, hiniwang pakuwadrado ¼ tasa hibe, binabad sa tubig 4 piraso siling labuyo, tinadtad ½ tasa alamang
Paraan ng pagluto
- Hugasan at tuyuin ang mga dahon ng gabi.
- Paghiwalayin ang mga dahon at tangkay.
- Tanggalin ang makating bahagi ng mga tangkay.
- Hiwaing 1" ng haba ang mga tangkay.
- Gataan ang ginadgad na niyog sa maligamgam na tubig.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Idagdag ang karne at sangkutsahin.
- Isama ang hibe, siling labuyo, alamang at tangkay ng gabi. # Lutuin hanggang lumambot.
- Sa bawat dahon ng gabi, maglagay ng isang kutsara ng ginisang mga sangkap.
- Ibalot at iayos sa kaserola o palayok.
- Ibuhos ang kakang gata.
- Lutuin hanggang magmantika ang gata at maluto ang gabi.
Ang kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne ng kambing.
Sa mga panahong ito, pwede nang gamitin ang kahit anong karne. Pinakukuluan ang
karne hanggang ito'y lumambot at dahan-dahang lulutuin na may malapot na sarsa
na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang, kamatis at durog na paminta. Maaaring
ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin. Maaari ring magdagdag ng hiniwang
patatas at karots.
Sangkap
tubol 1 kilopurorot batok o walang butong bahagi ng baka ¼ kilo puting sibuyas, hiniwang maliliit ⅓ tasa dinikdik na bawang 4 piraso pulang sili (red bell pepper), 2 hiniwang pino at 2 ay hiniwang medyo malaki ½ tasa tomato paste 1 dahon laurel 4 kutsara mantika ¼ kilo atay ng manok 5 piraso patatas, hiniwa sa apat 3 piraso siling labuyo ½ kutsarita asin 3 tasa tubig
Hiwain ang karne, at papulahin sa mainit na mantika.Paraan ng pagluto
- Isama ang bawang, sinuyas, kamatis, laurel, siling labuyo at red bell pepper (pino).
- Lutuin hanggang lumambot.
- Timplahan ng asin, at isama ang tomato paste.
- Lagyan ng 3 tasang tubig at hayaang kumulo nang 2 oras hanggang maluto ang karne.
- Haluin maya't maya.
- Dagdagan din ng tubig paminsan-minsan habang hinahalo.
- Habang pinapalambot ang karne, iprito ang patatas sa kawali hanggang maluto.
- Pakuluan ang atay ng manok sa kaunting tubig.
- Habang lumalambot na, durugin ng tinidor habang nilalagyan pa ng kaunting tubig.
- Kapag luto na ang karne, idgagdag ang patatas, red bell pepper (malaki) pati na ang dinurog na atay.
- Painitin pa nang 5 minuto at patayin ang apoy.
Ang adobo ay itinuturing na pambansang ulam sa Pilipinas. Ito ay
pinakuluang karne ng baboy o manok na niluto sa toyo, bawang, suka, buong
paminta at dahon ng laurel. Pinakukuluan ang karne ng mahinang apoy hangga't
mabawasan ang tubig at lumambot ang karne. Ang iba’t ibang gulay at shellfish
ay pwede ring lutuin sa ganitong paraan.
Paraan ng Pagluluto ng Adobong Manok:
1. Pagsamahin sa isang kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta.
2. Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
3. Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
- Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.
- 212 Sa isadas
Maari ring dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento