Mga Post

Pagkaing Pinoy

Imahe
Nagmula sa mga Malay ang unang pagkaing Pinoy dalawampung libong taon na ang nakakaraan. Sa kanila nagmula ang pagkahilig ng mga pinoy sa pagkaing maanghang at may gata. Sa mga Tsino naman nagmula ang pagkain ng mga  Pinoy  ng pansit at ang pagkahilig sa pagkaing may sawsawan at sarsa. Ang mga Espanyol naman ang nagturo ng mga pagkaing ginigisa na ginagamitan ng iba't ibang pampalasa. At dahil dito, ito ay nagbunga ng tinatawag sa ngayong kinaugaliang pagkaing Pilipino. Si Gaita Fores ay isa sa pinakasikat na chef sa  Pilipinas . Ang kare-kare ay isa sa pinakasikat na pagkaing pinoy na nagmula sa  Pampanga  na kilala bilang “Culinary Center of the Philippines.” Malimit itong inihahanda tuwing pista, kaarawan, pagtitipon ng pamilya, o kaya sa isang simpleng tanghalian o hapunan ng isang pamilya. §   Sinigang Ang Sinigang ay isang lokal na lutuin na may sangkap na karne, isda at shellfish na niluluto sa maasim na sabaw na may kasamang dahon...